para sa aking makata

nang mahanap ko ang iyong
mga tula— ang iyong mahusay
na paghabi ng mga salita,
sa tingin ko, nahanap na kita

nang mabasa ko ang iyong
saloobing malungkot at malumanay,
mga paksa ng ating puso,
sa tingin ko, nahanap na kita

Advertisements